ito na siguro

Mukang ito na nga ang istoryang nuon pa lamang nama’y alam ko na ang katapusan,
ito na ata ang wakas na hiniling ko,
pero kailanma’y hindi ko inasam.

sa isang iglap natapos ang ating kwento,
kasabay nito, ay pag pagsira ng binuong “tayo”.

OO. alam ko, wala ng tayo.
may ikaw. may ako. pero wala na tayo.

TAYO – na nangakong haharap ng sabay sa kinabukasan.
TAYO – na nangarap ng magandang katapusan.
TAYO – na nagsabing hindi magiging madali ang lahat pero kakayanin.
TAYO – na nagbitiw na ang kwento ng iba’y hindi magiging tulad ng sa atin.

hindi kita masisisi, alam kong ako ang may gusto nito.
hindi ko alam pano ipapaliwanag sayo,
pero sana, batid mong nasasaktan din ako.

hindi madali para sa akin ang lahat,
ang makita kang masaya sa piling ng iba’y hindi ko pa tanggap.
maaaring makasarili sa iyong pananaw,
dahil para sayo ako naman ang syang unang bumitaw.

patawarin mo sana ako.

malay mo. bahala na

i still don’t have enough sleep since friday,
maaga kumilos nung saturday for hiking
konti palang din ang tulog ko nun after, and yet until now gising pa ako and it’s already past 2am..
may pasok pa ako bukas :)

hindi ko na alam, ang sakit sakit na ng ulo ko, pagod na pagod na mata ko. refresh lang ako ng refresh sa news feed ko dahil wala naman akong magawa.
antok na antok na pakiramdam ko but my mind won’t stop!

sana in a snap matapos ang lahat ng ‘to
like nothing happened o kaya naman bumalik ako sa araw na kaya kong baguhin ang pangyayari para hindi mauwi sa ganito ang lahat.

gusto ko ng mag let go —
sa bawat saya na naranasan ko.
sa bawat sakit na nararamdaman ko.
sa lahat ng ala-ala na pinagsaluhan.
sa mga away na nalampasan.
sa kahit saan.
ayoko na sanang may maalala pa.
wala kahit ang naging dahilan ng pagtawa

sana matapos na agad.
sana matutunan ko ng tanggapin na wala ng lahat.
ayoko na kasi mag-isip.
ayoko ng umasa.
ayoko ng sumaya
dahil sa bawat saya na nararanasan ko,
dobleng sakit naman ang nagiging kapalit pagkatapos nito.

seryoso, ngayon lang ako nawalan ng plano.
hindi ko din alam kung saan ako dadalin nito,
bahala na, malay mo sa pagkakataong ito
maging totoo para sa akin ang —
“napaghihilom ng oras ang bawat sugat ng kahapon”

malay mo oras nga lang talaga ang sagot
pero ang tanong na hanggang kailan ito?
yun ang hindi sigurado.

malay mo. bahala na.

is it too much for a wish?

Merry Christmas!

buti nalang it’s past December 25 and i won’t feel guilty to post this knowing that it is His birthday tapos ang sad sad ko.

wala lang, naisip ko lang
posible ba yung pagka gising mo you won’t be able to feel a certain feelings/emotions over something? or someone?
yung tipong hindi ka na kailangang dumaan sa Acceptance phase, kundi pag kagising mo tanggap mo kagad na there were things that will never happen the way we wanted it to be, or there are someone that can never be ours.

i’d rather not

“mas mabuting mag stay ka kesa magpalipat, kasi babalik ka na naman sa umpisa at kahit na mas magaling ka sa ka level mo, kung sya naman yung nauna syo mas icconsider syang ma promote kasi mas malaki na yung contribution nya sa team”

AKO? siguro mas mahalaga parin para sakin yung sasagot sa tanong na Masaya ka pa ba? Kasi naniniwala ako na kung hindi ka na naman masaya sa ginagawa mo, kung wala na ung love at passion sa bawat kilos mo, hindi mo na din maidedeliver ng “mas” maayos yung bagay na ineexpect mula sayo.

Yes, nagagawa mo pa, natatapos mo pa naman sa deadline, pero deep within you, mas ramdam mong exhausted kana. Nakakapagod na.

Aanhin mo ang promotion, o ang laki ng sweldo kung yung bagay na araw araw mong ginagawa at magiging parte ng buhay mo ay hindi kana nageenjoy?

“Pero diba masaya din naman un malaki ung sweldo mo?” — YES! mabibili mo ang lahat ng gusto mo, mapupuntan ang mga lugar na pangarap mo, makakakain ka ng lagpas sa 100/day na budget mo.

Pero–hanggang kelan? kung sa tuwing gigising ka naman sa araw araw eh gusto mo nalang ulit matulog dahil pakiramdam mo bangungot ang realidad mo? (mejo exaj HAHA) o kaya naman twing 15 at 30 na lang  nasisilayan ang ngiti sa labi mo?

alam kong pangarap mo isabuhay ang :

find a job that you love,
so you don’t have to work a day in your life.

malay mo naman :)

the phlegm /flem/

LSS padin ako sa song na yan, naririnig ko kasi yan sa radio pero di ko alam yung title, then one time nasa van kami nag play sya sa radio ni manong sinulat namin ung chorus and sinerch. The Flame pala ng six part invention (popularized by:Cheaptrick)

You’re always be the one.
You were the first, You’ll be the last.

Wala namang hugot saking yung song. Wala talaga.
gusto ko lang yung lyrics and melody. #maniwalaka

Ang tagal ko walang update namimis ko naman talaga mag kwento dito, pero wala ba kasi ako sariling data, after birthday ko nawala phone ko kinabukasan, halata naman na hindi na nasundan post ko para magkwento kung nangyari ba ang expectations ko, nakakatamad naman ikwento kapag nalipasan na, ang dami na kasing nangyari sakin e.

masama loob ko na hindi na documented ang buhay ko dito hahaha, nag Boracay ako nung March, nag Ilocos nung April at nag Puerto Galera nung May tapos wala man lang akong update ?? Diba nga ??
It so not me!

Isa pa, matatapos na ang dotcom subscription ko, hindi ko man lang naenjoy HAHAHA!
renew ko pa ba? Wala naman atang sense hahaha.

Na miss ko sarili ko dito.

hello march, hello birth month

yes! it’s the time of the year again and in┬ájust
two days i will be celebrating my 25th birthday —
i don’t feel old naman, ang cute ko kaya HAHAHA

sa office natawa ako, kala nun ibang ka team ko i will only be turning 22 HAHAHA seryoso ba ?
i don’t think it’s because i looked way younger than them (cough)
siguro kasi retarded ako hahaha and also, there were times (most of it) that i don’t act my age. kaya siguro ako na bu-bully HAHAH

well anyway natapos ang February ng wala man lang akong update, ang tamad kong magsulat! ang dami daming dapat isulat pero wala na akong oras, yeah i know it’s not an excuse because we all have 24hours a day, at nasasa-atin na yun how we handle our sched, kaya lang kasi most of my time we’re spent in office, paguwi ko naman late na, i have to sleep kasi maaga pa din papasok.

Time flies so fast and soon i will be celebrating my 1st year in Accenture :)
pero teka, birthday ko muna..

so, what’s my EXPECTATIONS and WISHES on my silver year of existence kay mother Earth?

EXPECTATIONS on my exact day:

  • Hindi lalagpas sa 40 ang greeter ko HAHAHA. all in na yun (fb, txt, call — grabe wala na ata magttx sakin lahat fb. iw. makikigaya lang sila HAHA
  • aside from my team na bibili sakin┬áng cake (kasi tradition na) walang magbibigay sakin ng cake. HAHAHA
  • wala akong marereceive na birthday gift, nakabalot at surprise.
  • lilipas ang araw ko na parang katulad lang din ng ilang tuesday na dumaan sa buhay ko.
  • pag nag deactivate ako ng FB account, hindi aabot sa 10 ang greeters ko kasama na ang nanay at mga kapatid ko HAHAHAH
  • late na ako uuwi from work. HAHA

ayoko na nga mag expectations, puro negative nasusulat ko HAHAHA.

WISHES:

  • no more sickness
  • overflowing blessing hihi
  • financial breakthrough
  • world peace HAHA
  • promotion :)
  • uhm, seriously, gusto ko lang ng stable na buhay, hindi ako magkakasakit at kahit sino sa pamilya ko, kaya kong mag provide para sa kanila dahil blessed ako financially sa trabaho ko, mas madami ako matutunan in work, in life, in love, in spiritual. Mas maging matured in handling life difficulties and challenges, to be more wise in making decisions in life, to be more sensitive in the needs of others, to have a deeper and much meaningful relationship with Jesus, to be a much better person than who i am now and to be a good example of follower of Christ.

I know i am not and never will be perfect, but i will always aspire to live a life according to God’s purpose, and as He adds another year in my life, I still wants Him to be my pilot and the captain of my soul.

fly me to the moon

parang mas ngayon ko kailangang gawin yung solo trip ko, pero somewhere in August pa ako naka book para tuparin ang isa sa pangarap ko :))

image

to TRAVEL — ALONE

I was really planning to go to SAGADA to celebrate my 25th birthday on March, kaya lang naka book din naman kami sa Boracay on the same month, wala naman ako pera to afford both trip on the same month, so di ko yun ma ppush.

then sa April naka book nadin kami sa Ilocos, supposedly will happen on August, 60th birthday trip sana kay mama, eh since plan din ni ate pumunta dun at birthday din nya yun, April nalang.

then ayan nga, ate gave me a gift, hahanapin ko na ang sarili ko HAHAHA!
that would be my first 3days 2 nights-solo-out-of-town-adventure =>

where and when? sikreto muna for now.

ayun nga, mejo pressured ako ngayon. as in now.
i’ve to be strong na ituloy kung anu man un sinisimulan ko, wala ng bawian to, i can’t play on her feelings na mag ggive in na naman ako but then again hindi ko naman handang hawakan habang buhay.

anyway. i really need to go out and breath.
i need my sweet escape :’)

and yes! i know she's a keeper <3

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 130 other followers