ikaw.

Kung kasalukuyan mong binabasa ang pahinang ito,
malamang ay nasa blog site kita (hahaha! tama ba ko ?)

Una, papasalamatan kita dahil kahit papano
isa ka sa mga taong nagkaron ng interest na alamin ang buhay ko

Maaring kasalukuyan kang naandito dahil napilit kitang bisitahin ito
o kaya’y nagkamali kalang ng napasukan na site
maaring nakita mo sa malapit ko ng ma-expire na Facebook ang link
o kaya’y nasabi sayo ng ibang tao .

kung ano man ang dahilan “MARAMING SALAMAT”

Pangalawa, lalo siguro akong magpapasalamat sayo kung
magkakapag iwan ka ng ilang kumento, para naman kahit papano
ay may makausap ako sa kabilang mundo

Ang blog na ito ay ginawa ko, una para lamang meron akong
mapagpasahan ng ilan sa laman ng aking isipan,
sa panahon ng kailangan ko ng matatakbuhan, maari ko itong pagsulatan,
pagsabihan ng anu mang emosyon na aking nararamdaman ..

Hindi ako perpekto, kaya asahan mo na pati ang blog na ito ay may mga pagkakamali
maaaring ang aking opinyon ay taliwas sa pinaniniwalaan mo

Kung sakali mang maka-apekto ako sayo sa mabuting paraan,
SALAMAT sa Panginoon, pero kung ang mga nasasabi ko ay syang
magdadala pa sa iyo patungo sa kasamaan, malaya kang magiwan sa akin ng isang mensahe
mag tulungan tayo para sa pagbabago :)

Hindi ako letratista, maaring maraming typographical errors sa aking pagsusulat ang iyong mabasa,
Hindi rin ako isang mamahayag, maaring hindi latest o minsan ay kulang sa impormasyon ang iyong mabasa.
lalong hindi ako isang entertainer maaring matawa ka sa
ilang mga maisusulat ko, pero di ko rin naman inaasahan na katuwaan mo lahat na lamang ng sasabihin ko,
pero wag ka naman msyadong madahas mag kumento kung
sakaling d mo magustuhan ang mga post ko ha ?:)

Hangad ko lang naman na kahit papano ay maging instrumento ng
pagbabago (nyahaha!)
o kaya naman kahit papano maging inspirasyon para sa iyo^^

minsan o sige na madalas maaring may mga ka-emohan post ako ha ?
yaan mu na , masaya naman ako hehe

SALAMAT KAIBIGAN!