sa akin.
PAUNAWA : magiging mahaba ang ilalathala kong saloobin sa pahinang ito, sinandya kong hindi sa post ilagay ang akdang ito, dahil marahil at nakakasiguro akong wala naman babasa nito kaya minabuti ko na gawan na lamang ng isang pahina ang isang eto .
Matagal ko rin pinagiisipan kung para saan at anu nga ba ang ang tunay na dahilan sa pagpasok ko sa mundo ng blog? nararamdaman ko kasing unti-unti ng kinakain ng virus ang utak ko habang patuloy akong nagpapahayag ng dadamin sa pamamagitan ng pagpindot ng keyboard.
Sa unang pagkakataon hindi ako sigurado kung una nga ba ito, pero gusto kong ito ang tawagin kong una sa aking buhay, sisikapin kong maging mas maayos,matapat,matapang at deretso sa aking mga bibitawang pahayag, hindi para sa benipisyo nino man, kundi para sa aking pagtanda maiintindihan ko parin ang mga binitiwan kong salita *smile*
May mga taong natatanong, natataka at ang ilan pa nga ay hindi pabor sa pag gawa ko ng sarili kong mundo :
Not all people can understand the way i am..
“You can’t please everyone” ika nga nila
Some say they enjoy my company..
others say hindi nila ako ma-gets dahil may sarili raw akong mundo..napaisip tuloy ako..ganun na ba talaga ?
ang yaman ko pala noh ?
dati loading station lang, ngayon may sarili na kong mundo!
hahaha! pasyal kayo ha ?:D
pero seryoso, iniisip nga nila na nabubuhay ako sa ‘cyberworld’ mundo na kung saan para sa akin ay malayo sa takbo ng realidad (mala avatar lang) lumalayo daw ako kung saan mas pinipili kong dito ibuhos ang kung ano mang laman at takbo ng utak ko, lahat ng pait, sakit, hinagpis ng kahapon. Lahat ng saya, ligaya at tagumpay na natatamasa ko.
Mali ba ako sa ganung takbo ng buhay ko? bakit ba hindi nila ako maunawaan? at bakit ba kailangan kong ipaintindi sa kanila kung BAKIT at kung anong dahilan bakit pinipilit kong mabuhay at makausap ang mga taong hindi ko talaga kilala.
Kung pipilitin kong may mailabas na dahilan mula sa aking makitid na utak, sasabihin kong:
UNA - dahil naniniwala ako na hindi tao ang mga kausap ko dito hahaha! wala lang iniisip ko lang isa silang mga nilalang na nagkataong iisang mundo ang aming ginagalawan, high breed din sila at very sociable creatures kaya nakakaya nila ang makipag interact sa iba’t-ibang uri ng sci-fi characters na mga nagtatago sa kanya-kanyang codenames.
Na hindi kailanman makilala sa tunay na buhay (hindi tulad sa avatar na nagkita sila hehe)
PANGALAWA - ang mundong ito ay napakadaling isara sa oras na nahihirapan, naguguluhan, nasasaktan kana o kung ano man ang iyong dahilan. Kung sakaling may gusto ka ng kalimutan, iwasan at takasan kaya mo itong bitawan at balikan sa oras na kaya mu ng harapin ang lahat. Pwede kang magpahinga.
at ang PANGATLONG dahilan ay ang naging paguusap namin ng isa sa nagiisa kong kaibigan (hahah! biro lang)
[geylii] : wala ka naman kasupor-suporta sa pag bblog ko e
[kuya] : anong wala? eh basa nga ako ng basa
[geylii] : basa lang! di ka naman nagccomment man lang
[kuya] : nahihiya ako e, tsaka sesermunan lang kita dun
[geylii] : sow? un ang kagandahan sa blog, you can say anything and everything you want, just be atleast considerate on everyone’s opinion.. that’s the only avenue were we bloggers can throw our asses out.. you know what? i believe that every post we made had their own behind stories, may masidhing emotion na hindi namin alam kung papaano mailalabas maliban sa paraan ng pagsulat.. that’s were we find our comfort, that is our comfort zone, where we can be just ourselves, no pretentions
PANGAPAT - at ang paulit-ulit ko ng sinasabi sa mga nakaraang blog post ko sa taguan man o sa mga nasa dulong basura nito, Na sa blog maisusulat ko ang lahat ng laman ng puso ko na walang mga interruptions, matatapos ko ang kwento ko na hindi kailangan singitan ng kahit na sino, walang may ‘mas’ na kwento sa mga binibida mo, gaano man ito kahaba o kaigsi, nasayo ang lahat ng kapangyarihan para gawin ito.
Hindi man sila maging interesado sa mga pinagsasabi mo ok lang!, dahil kung sakaling ilipat na nila, at pindudin ang close button ng pahina mo ay hindi ka masasaktan dahil hindi mo alam .
I don’t know if i am making any sense here and if im making myself clear kung ano ba talaga ang nais kong iparating ..
Pero yan un mga nauna kong dahilan, sa ngayon natutuwa ako dahil nagkakaroon ako ng mga bagong kakilala, kausap, at kapalitan ng idea.
May nakaka appreciate ng mga simpleng isinusulat mo, meron din namang mga bumabatikos pero parte un ng buhay at nakakatulong un para hindi ako parang palagi nalang mahina.
Natuto akong mas gumalang at rumespeto ng opinyon at suhestion ng iba. Mas natutong humanga at magpahalaga sa mga katha at likha ng ibang tao. (Lumalaki na ko, pakiramdam ko parte na ko ng mundo)
Lumalawak ang aking makitid na utak dahil sa iba’t-ibang opinyon ng tao sa mundo, na hindi lamang ako ang may tamang opinyon! hindi lang ako ang sentro ng mundo, hindi lang ako ang may karapatang magpahayag ng sarili kong kumento, hindi lang ako ang nasa gitna ng entablado, hindi lang ako ang bida, hindi lang ako ang may karapatang palakpakan, na hindi lalapit sakin ang kahit na sino para makipag kaibigan kung hindi ko handang ibaba ang mga paa ko sa lupa upang abutin sila.
Unti-unti, natututuhan ko rin matanggap sa sarili ko na meron talagang mga taong hindi man galit sayo, ay hindi ka lang talaga gusto! ayaw lang talaga nilang makipag kaibigan sayo .. hindi sila interesado at wala silang pakialam sayo. Na hindi mo agad-agad makukuha ang simpatya at ang tiwala ng bawat nakakausap mo, at hindi porket nakakausap mo na, ay ibig sabihin ay close na kayo (haha, off topic na ata ako, basta gusto ko lang mag post ng nararamdaman ko sa mundo ng blog)
Gusto kong matutuhan na ‘i cannot please everybody’ meron talagang ayaw, meron talagang kahit anung gawin ko hindi ako matatanggap, pero hindi naman masamang subukan diba ? :c waaa!! sa about me ko na nga lang ilalagay un . haixt . un lang
Gusto ko rin na palaging maisip, maala-ala, matandaan na hindi ako nagbblog para lang palakpakan o hangaan ng kung sino man, hindi ako nagsusulat para lang makatanggap ng mga matatamis na salita at mga papuri mula sa mambabasa, hindi ka man mapansin ng kahit na sino ipagpatuloy mo lang ang pangarap mo, hindi yan para sa kanila, para yan sayo (hindi mo na nga natupad ang makasali sa school newspaper nyo nuon diba? pati ba naman dito susuko kapa ?– maging matatag ka, eh ano kung wala kang fans ngayon, magiging writer ka naman sa paglipas ng panahon hehe. MANIWALA ka lang) dapat ay marunong akong maging responsable sa kung ano man ang mga bibitawan kong salita dahil may naniniwala ako na may maaapektuhan ako, sa masamang paraan o mabuti man hindi ko alam.
Kailangan kong magingat, sabihin ang mga nararamdaman pero maging matalino sa pag-alam kung tama pa ba o hindi ang mga iniiwan na salita, baka imbes na maging pagpapala sa iba, maging dahilan pa ng ikakasira nya.
tama na siguro, napupuno na naman ng emosyon ang pagkatao ko.

naiintindihan ko lahat ng nakasulat dito..naiintindihan kita.. At some parehong pareho tayo ng nararamdaman.Ü
minsan nadidismaya din ako kapag may mga taong di ako naaapreciate..pero hinahayaan ko na lang at nagpapasalamat, ibig sabihin lang nun, dapat pa nating galingan. Salamat sa post na to, puputulin ko na ang comment ko,baka kasi maging blog post din to.hehe. Thanks ulit. Gawa ako ng post tungkol din sa pagba-blog ko.Ü
tama ! hahaha .. binasa mo lahat to ? kahanga-hanga ka
nga pala d ko nakakapag iwan ng comment sa account mo ha ? kasi d ma open dito sa office ang blogspot, kaya naman sa telepono ko lang ako nagbabasa ng mga post mo d naman ako makapag iwan ng comment dun . haha mahirap ako paxenxa naman ..
dadaan ako ulit dun goyo
*tips hat* mana ka talaga sa’kin kapatid
naks!hayaan mo lang kung walang bumasa o kumoment hindi ka nag-blo-blog para pigain ang utak mo para lang maintindihan nila ung gusto mo sabihin..
ginawa ko ang blog ko kasi minsan umaapaw na ung kawirduhan ng pag-iisip ko na alam ko naman na pag sinabi ko sa kanila hindi nila maiintindihan, buti pa ang blog may SPACE para sa kapraningan ko..wala syang reklamo kahit murahin ko pa sya ng todo..
te’arny – taamaa !! nakakatuwa ka naman at nag take time ka dito, hmm lalo ka tuloy naganda sa paningin ko hahahaha. ♥
“i believe that every post we made had their own behind stories, may masidhing emotion na hindi namin alam kung papaano mailalabas maliban sa paraan ng pagsulat.. that’s were we find our comfort, that is our comfort zone, where we can be just ourselves, no pretentions
”
Touche.
ganun ka din diba ?:) salamat sa pag daan♥
In a way.
As someone said, (I don’t remember if it’s Coelho or Chopra) “Writing is a socially acceptable form of getting naked in public.”
You remind me of my friend. Medyo kamuka mo sya. And she loves Jesus so damn much.
hehe , talaga ? pakilala mo sya sakin and you should love Him too
I already love God.
Di ko na sya masyado nakakausap e. Busy masyado ata.
sige ako nalang kausapin mo, sabi mo naman hawigin kami diba ? haha
pupunta ko let sa blog mo, may nakalimutan akong lagyan ng comment haha
kahanga-hanga ang nilalaman ng iyong saloobin! ito ay mahalintulad sa isang natatanging kayamanan na kailan ma’y iilan lang nakakahanap…
PANGALAWA – ang mundong ito ay napakadaling isara sa oras na nahihirapan, naguguluhan, nasasaktan kana o kung ano man ang iyong dahilan. Kung sakaling may gusto ka ng kalimutan, iwasan at takasan kaya mo itong bitawan at balikan sa oras na kaya mu ng harapin ang lahat. Pwede kang magpahinga.
Tama. Madaling tigilin ang lahat. Di tulad sa totoong buhay. Yan din ata isa sa mga rason ko kaya ako nagblog. Di tulad mo, di ko madaling mailabas ang nasa loob ko kahit na sa blog pa. Pero ginagawa ko naman ang makakaya ko para subuking ilabas din lahat ng nasa sa loob ko sa blog ko. yey. nainspire naman ako sayo.
hahaha! wag ka mag alala, hindi ko naman din nalalabas lahat, dati-oo pero lately hindi, pano may mga kakilala na ako sa tunay na buhay na nagbabasa nito, grr. sa susunod papalit nalang ako ng URL, hahaha !
tama. mahirap pag kilala mo sa tunay na buhay ang mga nagbabasa ng blog mo kasi di mo alam kung naiintindihan ka ba talaga nila o hinuhusgahan ka na. pano ba magpalit ? parang gusto ko gawin e.
hahaha ! tamaaa! tska minsan kapos ang sentence ko, syempre kung anu lang un isulat ko un lang alam nila, edi husgado ka na agad
try mo dun sa users tapos sa personal settings
tanga
may galit ?