kung iu-ugnay ko ang blog sa isang bagay, pwede ko itong ikumpara sa salamin ay teka, biglang sumingit sa isip ko ung tagline sa title ng blog ni
kuya “duking | what we do in life, echoes in the internet”
naniniwala ako na ang blog ay ang isang pahina na kung saan ay maari mong ipasa ang iyong mga karanasan, suliranin etc. ng walang halong pagkukunwari, nasabi ko na yan dito, ilang beses na — na hindi ko na kailangan pa ang magpanggap o itago ang tunay kong nararamdaman dahil wala namang tunay na nakakakilala sakin dito, pero — bakit parang ngayon hindi na ganun ? parang nararamdaman kong hindi ko narin kayang ipahayag dito kung anong nasasa loob ko? wala lang, siguro dahil alam kong may mga nakamasid dito na nasa parehong mundo ko, tsaka nakakuha ako nuon ng taong nakakaintindi sakin, taong nakakaintindi ng dahilan ng mga pananahimik ko, taong kumatok, nagintay at nagtyaga sa pagbubukas ko ng sarili ko para sa ibang tao, kaya lang … hindi ko na sya makita ngayon — mali, nakikita ko pa sya pero sa ibang aspeto na, hindi na kagaya ng dati .. oo-sya pa din ang takbuhan at sumbungan ko,pero ipinagtatanggol na nya ako sa paraang di kagaya nuon.
mahigit isang buwan narin pala ang lumipas mula ng huli akong magsulat dito, sa totoo lang namis kita, subalit masyado akong nalibang sa panandaliang aliw na inihain sa akin ng mundo, kinailangan ko ring humanap ng ibang matutuluyan nung panahong nilayuan kita,totoo. hindi kita iniwanan,nagkataon lang na may kumupkop sa akin ng panandalian, nagkataon lang din kasi na may mga bagay na hindi ko makayang sambitin sayo, hindi kita gustong paglihiman, hindi ko rin sadyang maramdaman mo na ika’y napag-isa,hindi naman sa ginagamit lang kita, pero pakiramdam ko malapit na tayo muling mag-sama. oo — malapit na kitang balikan.