Magandang pangitain ito, may mga title na akong nagagamit, im expired inspired
sabi ko sa kanya, ‘pakiramdam ko nuon para akong SNOWBALL sa kanila’
tinanong nya ako ‘bakit?’
sinagot ko ng ‘kasi binibili lang un, kapag walang pambili ng iba, kapag walang ibang option, kapag walang choice, pag un lang ang abot ng pera at kadalasan panawid uhaw o pampatanggal banas lang talaga’
sabi nya, ‘hindi lang siguro nila nakikita ung worth mo’ (parang wala naman. hahah!)
pero sabi ko sa kanya naramdaman ko sa kanya na para akong MAIS CON YELO – oo, hindi tulad ng halo-halo na maraming lahok, iba’t-ibang lasa at maraming kulay, ang mais con yelo, madalas 4 na lahok lang, gatas, mais, yelo at asukal.
Wala akong kahit ano na pwede nyang ipagmalaki, (hindi tulad nya na ang habol ko ay kayamanan nila. hahahaha!)
Pero para sa kanya, trinato nya ako na parang Mais Con Yelo take note : Special Mais Con Yelo may Ice Cream na may Leche Flan pa (Masarap Mais Con Yelo dito sa Waffles n’ Cones P51.00 lang) hahaha!
Bakit hindi HALO-HALO? hindi naman kailangan ng madaming lahok para sumarap e, dahil paulit-ulit ko nang sinasabi .. “Hindi mo kailangang maging Special para magustuhan ka nya, dahil kung talagang gusto ka nya, mamahalin ka nya, kahit na ordinaryo ka pa.” — at pareho kaming Mais Con yelo ang kinakain lang
ayos.
Who is this?
sasabihin ko ulit. Ako favorite ko ang mais con yelo. hehe. Hindi ko pagpapalit yun sa halo-halo.
taamaa ! hahaha treat mo ko