kahit ano basta mahaba

magttype ako, walang makakapigil sakin >:)

hindi pa naman ako ganun katagal dito, pero meron nading mga tao ang naging parte ng buhay ko, dati naaaapaaakaaa sipag kong sundan ang mga sites nila araw-araw, hindi ko naman masasabing “sila” lang ang nagbago at ako ay hindi, pero totoo, madaming nagbago, para akong nagsalop ng tubig gamit ang kamay, na kahit gaano kadami ang tubig na iniingatan ko, mauubos at mauubos din un pagtagal. Mabuti na nga lang at may iilang nagtagal, pero sa totoo lang mimis ko na talaga un dati ..

Mahilig kasi ako sa ala-ala, kaya napaka hirap ang mag move on, lalo na sa pakikipag kaibigan, kaya ngayon sinisikap kong wag ng madagdagan hahaha, ung mga avatar friends ko kasi wala na, literal?? hindi naman siguro, active pa kasi sila haha. syempre nakamasid parin naman ako, hindi naman siguro mahalaga kung mag kumento pa ako. haha (arte)

feel na feel ako ang pag bblog ng napaka haba ngayon, tutal akin naman to e, haha ! tsaka napag tanto ko, pag mahaba ang post tapos wala namang nakalagay na mga pictures or everything, walang nagttyagang magbasa ng post (maliban kung interesado sa kwento mo) pero dahil wala naman interesado, ewan ko lang kung may makaabot sa part na to, hahaha

kadalasan kasi sa unahan tapos un dulo na, makuha lang thought ok na sabay comment ayos., haha! (ganun ba ko?) haha d nga ko nagccoment eh, pero sinisigurado ko naman na nabasa ko un, kahit pag gawin pa nila ako ng reaction paper o kaya ipa buod pa nila sakin, haha!

namimis ko sina .. tsaka sina kuya’s, ate’s (madami e) haha ..  si ate salbe lang ata d ko namimis pwahaha ! pano lagi naman syang present (oi te sa bday ko ha? haha)

hahaha! naalala ko kagabi, natapos ako mag laba mga 11:30 kakauwi lang din ng mama nanunuod pa ako sa disney channel, tinanong nya ko kung gusto ko ng balot, hindi ko pa un natitikman, pero nakakatakot ata kaya sabi ko penoy na lang, bumili sya ng penoy, kanya balot, un sakin may nakasulat na labas na “PS” sabi ko, anung PS un ? ewan daw nya, pag basag ko, malata, un parang malasado?? hmm akala ko nung una “Penoy Salot” (balot pero salot) hahaha! pero nun nakita ko na ganun sya, naisip ko baka naman “Penoy Sabaw” hahah ! o kaya “Penoy Soup?” . hahaha !

ambilis ni mama kumain nun balot, tinapon na daw nya at nakakatakot daw un sisiw haha ! sabi ko bakit un ang binili nya, masarap naman daw kailangan lang daw talaga ng lakas ng loob pagkain nun, haha ! sakin un penoy, meron pang matigas na puti, binigay ko nalang kay terrier (aso namin) hehe

at sa koneksyon nga pala kahapon, paguwi ni mama galing prayer meeting eh pina-plantsa nya talaga un party ko sa mCdo hahaha ! sabi nya agad “anak, may mascot na pala un 2,700 wala lang daw un cake” ang ipagawa nalang natin un mga cupcakes para lahat meron.” syempre naisip ko agad san ako mag bblow ng candle ? sabi nya “bibili tayo ng cake mo, un nalang lalagyan natin ng candle.” ayown naman pala. ahaha !

pinapa sure nya na mga attendees ko, hahaha ! kasi per head daw un, kaya dapat sure, at good news! pwede ang credit card hahaha !!! sabi nya matutuwa daw ako kahit d makapag ipon. waa! dami na naman akong bills.

tama na, papagod na ko :) teecee