29 days nalang

February na pala ? waa! malapit na ko mag birthday! hahah sa march pa pero oo, tama, excited ako!

happy ako kay mama, paguwi ko galing trabaho kagabi, sabi nya agad
“Anak, alam mo ba na sinabi sakin ni chamar na 2,700 lang ang party sa mCdo? 30persons na un, may games, give aways at mascot na din” syempre nanlaki ang mga mata ko, literal. un parang sa mga anime na nag spark pa hahaha ! ngumiti ako sa kanya ng may kahulugan, at kaaagad naman nyang nahulaan ang bago pa lamang hinihimay na pangungusap sa aking isipan.

“Tama, naisip ko nga un para sa birthday mo” at excited syang ipinakita sakin ang isang papel, nilagpasan ni mama ang hula ko na maaring list of prices and party packages un ipapakita nya sakin, isa pala un listahan ng mga kaibigan ko hahaha ! sya na ang nagsulat ng mga pangalan ng mga kaibigan ko na madalas nyang nakikita sa loob ng maliit naming tirahan.. at ilan sa mga kasama kong kabataan sa church.

naeexcite na ko ng sobra! hahaha! inaya ko na syang pumanik sa itaas at dun ako sa higaan nya nangulo, inulit ko un listahan nya (ni re-write ko lang naman at tama naman kasi ang mga inivited nya para sakin hahaha). pinipilit ko pa syang pagisipin kung sino-sino pa ang mga iimbitahin ko, nun una kasi di ako makapagsulat kasi hirap na hirap ako mamili kung sino lang ang iimbitahin ko, un pa naman un mga ayakong part, un may ininvite ako tapos may hindi, baka kasi magtampo o baka maisip nila hindi ko sila kaibigan.

sabi ng mama “wag na, tigilan mo na yan, kaibigan mo ba lahat un?” sabi ko “hindi po, eh baka magtampo” pero ayun nilagay ko nalang muna sa ibang list at inuna ko muna un mga tunay na kaibigan .. at ang lumabas wala pa pala sa 20 ang tunay na kaibigan ko ? hahahah !!

natatawa ako, hindi naman sa hindi ko sila tunay na kaibigan .. kaibigan ko sila, pero di naman ganun un trato nila sakin.. gets ? un tipong ganto ..

[..]: kamusta kana ?
[geylii]: ok lang ako .. :)
[..] ok .

haha ganyan .. un ung mga taong wala naman talagang interest malaman ang tunay na lagay ng pagkatao mo. hahaha ! masakit man isipin, pero maraming nageexist sa buhay ko ang ganun.

lalo na sa mga nagttext! hahah kaya madalas kong sagot sa mga tanong na “musta kana?”“anung parte ng pagkatao ko ba ang kinakamusta mo?”
pag sinagot nila lahat .. sagot ko nalang “im generally ok” tapos dina sila reply hahahah !
madalas nga group message lang natatanggap ko, tulad ngayon, iniwan ko nalang telepono sa bahay, tutal natunog lang naman un pag nagpapatugtog ako ng mp3 hahah ! gulat nga ako nun pasko at bagong taon, d ko hawak un globe at tm, haha ang daming text, nageexist pa pala ako fonbuk nila (twing may okasyon) hahah!

hayaan mo na . masaya naman na ko sa mga iilang friends ko, at least alam kong pag sila un nilagay ko sa autograph na “who is your friend?” eh ganun din un mga isasagot nila. haha ! (d ako makasagot ng ganyan kahit ngayon) nilalagay ko nalang dati first letter ng name, o kaya many to mention. hahah ! para alang tampuhan . T.T

one time nga nun ggraduate na kami ng college, mag sulat daw ng letter, sample, sino ang data mo, sino ang internet, modem .. ganun. pero mga 5 stars lang un .. eh nakakalungkot naman un iba magkakaron, un iba wala, kaya ginawa ko sinulatan ko nalang silang lahat hahaha (tutal lagi ko naman sinusulatan ang mga klasmates ko. sa katawan. haha joke) 50+ kami nun, sakit sa kamay .. kaya minsan masaya pag may dina nageenrol, haha joke ulit. :p

oh nasan na nga ako?? tama. nasa harap parin ako ng computer. haha
ang ending sa pamimili ko ng kaibigan na isusulat sa list, d ko pa napupuno un 30persons kasama pa dun ang mama, ate, kuya at ako. haha

un iba naman kasi imposibleng dumating at mayayaman na un sila nasa manila, samantalang ak0 ay probinsyana parin haha (wala naman bomba) hahaha!

sana regaluhan nila ako, hahah !! kahit walang laman, basta nakabalot . hahaha . pangarap ko kasi un madaming ino-open na gifts, lalo na un nagsimula sa malaking box, tapos pag io-open pa sa loob tapos paliit ng paliit tapos lahat basta naka wrap. tapos sa loob maliit lang, un pala susi ng sasakyan . hahaha !!

sana si kiddie mCdo un available na mascot nun,
ayako ng iba, anu kayang theme ?? malamang brats o barbie lang ang theme pag babae. anu kaya susuot ko ? debut ko na nun e.

hahah ! malamang hindi un 2,700, at wala pa ata un cake at mascot .. haha . pangarap ko lang naman kantahan ng happy birthday un madami nakanta tas malakas at na blow ng candle . :) na hindi naman nangyayari unless ako ang mag initiate . haha

wala ba talagang sweet na tao sa paligid ko ?? oohhwell ..

tama na ang daldal ko na, next month pa ang birthday e.
balentayms pa muna :)